Sunday, April 27, 2008
Ang buhay sa kanayunan ay hindi madali.
Sa mahigit isang linggo kong pananatili sa Batangas, masasabi kong isang hamon ang makipamuhay sa mga tao. Naging batayan ko kasi ang mga iba;t ibang relasyon na naiwan ko nang ako'y magtungo dito - ang aking kasintahan, ang aking mga kaibigan, ang aking pamilya. Sa pagiging basehan ko ng mga ito, alam kong sa kanilang bahagi ay matatanggap nila ako ng buo sa kung sino at ano ako. At ang paglubog ko sa Batangas ang nagpatunay na hindi ito palaging totoo.
Magkakaiba ang reaksyon ng mga tao sa kanayunan kapag sinasabing kami ay mga dayo. Lalong nag-iiba ang kanilang mga trato kapag sinasabing kami'y gumagawa ng isang research at parte ng pagsasaliksik naming ito ang pakikipamuhay sa kanila. Lalong napakarami ang nagkakaroon ng iba-t ibang reaksyon kapag ang tanong ay saan kayo nag-aaral at ang aming tugon ay UP.
Nanlalaki ang mata..
Nang-iisnab..
Nagsisi-alisan..
Tinitignan kami mula ulo hanggang paa..
Masakit makilatis ng ganun kadali nang hindi pa binibigyan ng panahon upang lubusan kaming makilala. Mas masakit kung kami ay idinadamay sa karaniwang pagtingin nila sa mga estudyanteng taga-UP na mga palaban, mga aktibistang walang sinasanto at pinakikinggan.
MALI SILA.Naroon kami upang subukang makipamuhay, upang magsaliksik at sa pamamagitan ng mga datos at pagtikim sa kanilang karanasan mismo, makapagbigay kami ng mga solusyon, rekomendatsyon at aksyon ukol sa mga isyung kanilang kinakaharap at matulungan silang bumangon unti-unti mula sa kasalukuyan nilang kalagayan. Naroon kami upang palawakin ang aming kaalaman, maging kritikal at mailapat sa praktika ang aming mga natutunan sa loob ng tatlong taon.
Kung may mali sa mga ito, at sa tingin nila'y hindi nila karapat-dapat tanggapin bilang mga tagapamuno ng mga mamamayang PINANGANGALAGAAN ANG KANILANG SARILING INTERES, nirerespeto namin ang kanilang desisyon.
ge. FLEW on
4/27/2008 10:26:00 AM
|
Sunday, April 13, 2008
Huh? Duh? WTH? It might sound awkward and uninteresting for most people out there, but hey, this is my once in a lifetime chance of being able to go out there and enjoy the fun… and the hassle, and the school work, and the case studies… and the heat.
Sigh. So much for the fun part.
With all those unknown stuff we’d be encountering, those experiences we’d be having – not to mention all the adjustments we’d be handling – we’d also suffer major alteration in terms of our ‘pakikisama’ with the folks living there. Because we’re not from the area, these individuals are expected to be more sensitive than the usual, and dealing with them and their feelings would be a lot harder than it is here. And as my lola said, ‘Mae, mapamahiin ang mga tao dun kaya mag-iingat kayong mabuti.’ These, plus it’s just me and Pearl bonding in the wilderness. Hahaha! Then, the places would also be unfamiliar ones, and because of my super sharp sense of direction, I’m sure I’m in big trouble. There would also be no-cellphone, no-complaining, no-yaya and nobody-to-discipline-my-budget rules. In addition to these, I’d also make sure I can pass through the comfort room and the food tests. My mom and my sister are already taking down the simple steps in cooking Pinangat as of the moment.
Okay. So where’s the good in exposing ourselves away from home?
I can enumerate several reasons, but for now I’d just specify three.
First, there’s this thing we all call ‘social awareness’ and ‘real social awareness’. And because of our course, we know that our institution believes we can’t do it while we’re doing errands in private offices or taking OJTs in government agencies. I also believe that I need to integrate with the helpless less fortunate masses in order to realize how lucky I still am for having this kind of life – amidst all the difficulties I am going through. (Eww. Kunwari anlaki-laki ng mga problema ko ano?) Who knows I might find my purpose in life when I get there.
Second, it is because it would help these folks be able to voice themselves out to students like us. It may be usual for them to cry their hearts out already, but as the saying goes, everything’s different every time. They may have had conversations with tons of other people before but we may have something else to offer them which they haven’t seen and heard and felt from any other talks they’ve had. (Oha.) It would be a pleasure for my part to be able to do something to alleviate their condition – even by just listening to what they have to say. Nax.
And lastly, this would be my first trip out of town in… hmmm, four years? Haha! My last trip was when my family went to Baguio for summer after my third year in high school. That was so long ago and I know this practicum would help me inhale a lot of fresh air again. I hope I will not get sick there. My body might react to the lack of pollution. Lol. Vacation or not, it’s still a break from my usual days and just doing household chores. Weeeeeee!
So with that being said, I may not be able to create another entry after this. Sa May na ulit pagbalik namin and I’m sure that that entry would be a long list of experiences. I’m entrusting my CRS grades and Friendster account to my sister; Oinker, Pinker, Pinkest and Marf to my little sister; and my clothes to my mom. I just wish the room still looks like a room after my practicum.
Good luck to my boyfriend who’s about to spend a month without me.
(Haha. Nagsalita ang kayang hindi makita si RC o..)
ge. FLEW on
4/13/2008 09:41:00 PM
|
Friday, April 04, 2008
''it's still different if you can't find the feelings to descryb it, the words to explain it, the guts to say it and the courage to accept it.''Yan ako noong November 2006. Tulad nung isang batang natatamaan ngayon habang nagbabasa, ako'y nacurious din sa mga bagay na inilalagay ko sa blog ko noong mga panahong iyon. Mga panahong masasabi kong ako'y nagpapakasaya sa ibinibigay ng buhay, puro barkada at bahay lang ang problema. Mga panahong alam ko pa kung ano ang maaaring maging bunga ng pinasukan ko. Mga panahong hindi ko inisip na magkakaganito ako after a year.In a way, nag-expect din pala ako. Mukhang tanga man, sabi ko sa sarili ko, balang araw (ngayong college), makikita ko na siya. (Not Siya, siya. You know, the right guy or something from your fairy tale.) Magkakabungguan kami sa isang hallway na hindi naman masyadong makapal ang tao. Tapos mahuhulog ang gamit ko, tapos sabay naming pupulutin. Tapos magkakatinginan kami sa mata, at hihinto sa pag-aayos ng mga nalalaglag na dala-dalahan, at mararamdaman ang spark. Tapos magpapakilala siya, tatanungin ang pangalan ko, aayain akong panoorin siya (pinangarap kong isa siyang basketball player, dancer, member ng banda, o actor) at maghhang-out sa labas. Tapos mahuhulog ang loob namin sa isa't isa. Liligawan niya ako, pupunta siya dito sa bahay, magbibigay siya ng flowers and chocolates, at aayaing kumain sa labas. Tapos, in the end, pag naging kami, we'll live happily ever after..........(Excuse me, may karapatan ako mangarap ng mga ganito kacorny na bagay. Defensive mode.)Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaw. No comment.Hindi ko alam kung matatawa ako sa pinag-iiisip ko nung mga panahong yun, o matatawa ako dahil sa sobrang layo nung pinangarap ko sa nangyari sakin.Isipin mo nalang, (oo, kasama ka, batang nagbabasa, sana matamaan..) nagtext lang siya sakin ng kung ilang beses, naghahanap ng makakausap. Nang-aasar, nangungulit, at kulang nalang ay hilahin ang pigtails ko para kumpleto na ang elementary boy look. Nagpaparamdam minsan, nakakalimot madalas. Nagpapapansin, na minsan iniisip ko kung naglalambing. Nagdedemand ng reply, akala mo kung sino. Higit sa lahat, tinago niya ako..ginawang isang sikreto. Pinilit kong intindihin, unawain. Pero winalang-bahala niya yun. Isang araw, nawala siyang parang isang bula. Nasaktan ako, nagalit, nagpumilit bumangon. Hindi ko na siya hinanap, pero siya'y bumalik. Nagbago at pinatunayang hindi na siya ang dating siya...........And they lived happily ever after? Who knows?Bahala na sabi ko. Ika nga ng aking kaibigan, just plunge in. (-salamat Plunger.) Tulad nga noong naunang sinabi sa entry ko, hindi ko na alam kung gaano katagal na ang nakakaraan, pipikit nalang ako at tatapak sa kawalan. Naniwala ako sa sinabi niya sa akin - hahawakan daw niya ang kamay ko at sabay kaming tatapak sa kawalan. Kung ano mang nasa hinaharap, whatever na yun. Magkaproblema man, (tulad ng mga kung anu-anong bagay na nangyayari lately) we still have each other. Tama na siguro yun sa ngayon. Palagay na ang loob kong may sasalo sakin (at may taong sumasandal sakin) sa mga panahong nakakawindang. Kuntento na akong mahal din ako ng taong mahal ko.Weird dahil totoo yung sinasabi nilang magkaiba ang ideal sa destined.Weird din na nagsusulat ako ng ganito para sayo.
ge. FLEW on
4/04/2008 11:44:00 PM
|