Wednesday, June 29, 2005
haaii..Dumadating yung panahon sa buhay natin na kailangan nang magpaalam ng isang taong naging malapit sa atin. Whether it's in friendship - na kailangang lumayo ng best friend mo, in your family - na ang daddy mo ay kailangan pang magtrabaho sa ibang bansa, or in relationships - na masakit man, kailangang matapos ng Fairy Tale mo. Hindi man happily ever after, alam m ong wala kang magagawa pa para maibalik kung ano ang nangyari na.
Sa pagkakataong ito, pilit mong ginugunita sa sarili kung ano ang nagawa mong mali. Saan ito nagsimula at kung paano kayo umabot sa puntong ganito. Pilit mong sinasariwa ang huli ninyong tampuhan at deadmahan dahil sa isang bagay. Kung hindi man kayo nagkaliwanagan at nagkaintindihan ng mga sandaling iyon, parang malabo nang magkaroon pa ng ikalawang pagkakataon. Pilit mong inaaalala ang galit na naramdaman mo nung mga oras na yun, paano mo siya napagtaasan ng boses o napagbuhatan ng kamay. Masakit para sa iyo tuwing binabalik-balikan mo ang moment na yun. Moment kung saan masasabi mong hindi lang siya ang nagkulang sa iyo. Hindi lang siya yung taong hindi nakainitindi sa nararamdaman mo. Hindi lang ikaw yung taong naagrabyado ng mga sandaling yun. Ikaw rin sa kanya. Kung hindi man niya nasabi sa iyo kung ano ang nararamdaman niya, ako na mismo ang nagsasabi sa iyo, paminsan-minsan ay sumasanggi ka rin sa utak niya. Kung paano kayo humantong sa ganito. Nagkasagutan man kayo, nagkaasaran man kayo sa isa't isa, hindi maikakailang pareho kayong nakakadama ng ganitong sakit at paghihirap knowing may nakatatak pa ring pride sa mga puso ninyo.
Naaalala mo pa ba ang huling beses na hinila ka niya malapit sa iyo o tinabihan ka niya sa upuan dahil sa kadahilanang gusto ka lang niyang makasama?Naaalala mo pa ba ang huling beses na sinubuan ka niya kahit iniisip mong nakakahiya sa ibang tao?Naaalala mo pa ba ang huling pagkakataon na nakasama mo siya sa lakad?
Nakakataba ng puso, nakakapagpapalakpak ng tenga at nakakapagpahaba ng buhok ang mga moments na ito. Pero sa tuwing nababalikan mo ang mga panahong ito, sumanggi kaya sa isip mo na ito na ang huling pagkakataon na mangyayari ang mga ito? Hindi mo inaasahang mauuwi lang sa ganito ang mga nagyari. Hindi mo inasahang isang araw ay magigising ka at mawawala ang taong minsan ay naging sobrang laki ng parteng ginanapan sa buhay mo. Hindi mo man kasalanan na mawala siya sa iyo, alam mong may naging kamalian ka pa rin upang mauwi sa bangungot ang mahaba't magandang panaginip mo. Swerte pa nga ang tingin ng mga tao sa iyo sa pagkakaroon mo ng isang taong nandyan lagi para sa iyo, nariyan upang alagaan at mahalin ka. Tapos na ang walang kamatayang tuksuhan sa inyong dalawa tuwing naaabutan kayo ng mga kaibigan ninyo na magkasama. Tapos na ang mga paglalambing niya sa iyo sa phone. Tapos na ang pagtunog ng phone mo sa tuwing magte-text siya ng mga mushy na quote sa iyo. Tapos na ang mga panahong hihilahin ka nalang niya malapit sa iyo at hahalikan ng wala namang dahilan. Tapos na ang mga oras na haawakan niya ang kamay mo ng mahigpit, o di kaya'y aayusin niya ang buhok na nakalagay sa balikat mo. Tapos na ang papel ng mga "i love you" ninyo na wala kayong kasawa-sawang banggitin sa isa't isa.
Tapos na nga ba ito? O may kahit kakarampot na pagkakataon pa upang maibalik ninyo ang nakaraan?
Wag kang pipikit dahil baka dumaan ng di mo nalalaman ang panahon na pwede pang maayos ang mga nagyari na. Di ba totoo naman? Na kahit konti ay minahal mo siya?
ge. FLEW on
6/29/2005 10:07:00 AM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver