Monday, July 18, 2005
hmmm..pag inluv*lefthandah's orig*Pag in love ang isang tao, di lang yung mismong love ang feeling na kailangang harapin and kailangang maramdaman. Meron pang mga kakabit na iba pa. And not only yung different feelings ang involve kundi pati yung mga moments na mahirap magdecide kung ano ba talaga ang gagawin mo to face those things. Anu-ano nga ba yung mga feelings na yun? Here are some of them.
1. Pagpaparamdam sa isang taoHere's the most exciting part pag in love. Yung mga times na kailangan mong mag-flirt ng konti, batt ng eyes, pumorma, magpaka-ignorante sa mga assignments and kung ano pa mang pag-iinarte para lang mapansin ka ng taong kinakabog ng dibdib mo. Pero di rin ito yung pinakamadaling part kasi dito kailangan mong magtiis, or magpakababa ng standards para lang makuha ang atensyon niya. Lalong mahirap kung yung taong pinapakitaan mo ng 'signs' ay isang napakalaking bato lang sa gardenlaga maging KSP paminsan-minsan. Pero di ba maganda rin namang magtiyaga to get something worthy in the end di ba?
2. Sabihing "BUSTED KA."Mahal ka ni guy number 1, pero mahal mo si guy number 2. Paano mo sasabihing ayaw mo kay guy number 1? Ayaw mong saktan siya nang basta ganun nalang, at the same time, ayaw mong ma-misunderstand ni guy number 1 na pinaasa mo lang siya sa matinding WALA. Hirap man gawin, kailangang mamili ka sa mga kailangan mong gawin ng mabuti. Kasi malay ba natin kung si guy number 1 na gusto mong i-reject ay mas mahal ka pa pala kaysa kay guy number 2.
3. Pagbabalik ng EX moHeto ka na at napakasaya sa piling ni Mr. Right. Isang araw, nabunggo mo ang isa sa mga dakila mong ex na pinagpalit ka lang sa isang nobody. Ngayon, pilit niyang ine-explain sa iyo kung gaano siya nagkamali sa kanyang nagawa and how she wanted you back in his life kahit pilit mong pinamumukha sa kanya na "I'm doing great without you!" Cheated you once, wanted to cheat you twice nga ba ang nasa isip mo? Or iniisip mong he deserves another chance? Love is sweeter the second time around sabi nga nila. Baka mauwi lang sa pamimili sa noon na gusto mong balikan at ngayon na ayaw mong saktan.
4. Pagsasabi ng I Love You sa isang taong di naman palaNalagay ka na ba sa alanganin dahil nadulas ang dila mo sa ilang kataga na hindi naman dapat? Nasabi mo nalang na mahal mo ang taong yun dahil lang sa awa, dahil ayaw mong masaktan siya, or dahil love mo nga siya pero as a friend lang. Ang nakakakonsiyensiya pa dun ay pag dinamdam niyang maigi yung sinabi mo na parang buong buhay na niya ang hawak mo. Wala ka nang kawala. Para kang genie na na-trap sa isang magic bottle. No choice ka kundi ipagpatuloy ang naumpisahan at umaasang matututo ka ring mahalin siya. Unless, ganun ka katapang para aminin sa kanyang di mo sinasadyang mag-I Love You sa kanya.
5. Martyrdom Case #1"Sinaktan niya ko! Binalewala niya ko! Ginawa niya akong tanga! Hmph! Bahala siya.Pero bakit ganito? Mahal ko pa rin siya." Sabay lakad nang nakaluhod papuntang altar. Hindi kaya magtaka ang mga tao sa inaasal mo? Pinalaki ka ba talagang ganyan ng mga magulang mo? Pero sa totoo lang, dito na pumapasok yung sinasabi nilang PAGPAPAKA-MARTIR sa taong mahal mo. Matindi na talaga tama mo sa kanya dahil kahit anong gawin niyang way para saktan ka, andyan ka pa rin para sa kanya, at sa kanya lang - wala nang iba. Sa pagkakataong ito, di mo kailangang i-down pa lalo yung sarili mo (kundi talagang magtataka na ang mga tao sa ginagawi mo) dahil wala kang kasalanan. Iha, yan talga ang tunay mong nararamdaman.
6. Trapped in nowhereKasama mo ang boyfriend mo sa jeep nang biglang sumakay ang former girlfriend niya sa tabi ng boyfriend mo. Nakakakulo ng dugo 'no? Pero di mo naman pwedeng kaladkarin pababa ng sasakyan yung ex niya dahil never namang ikaw ang tumanggap ng kita ng driver sa jeep di ba? Isa pa, kung nagseselos ka, tandaan mong di lang ikaw ang ipit nung time na yun. Ang boyfriend mo, di rin alam ang ikikilos niya dahil nandyan kayong dalawa. Ang ex-girlfriend niya, na ilang na ilang na sa inyo sa mga oras na yun. Kung tutuusin, di mo na siya pwedeng pababain dahil sa nararamdaman ng gurl na yun, bababa nalang din siguro siya. Matatapos din ang moment na yan, don't worry. Makakhinga rin kayong tatlo. Isa pa, past is past ika nga.
7. Bawal na dahil sa commitmentKung may sangkatutak na reasons para maging loyal ka sa taong mahal mo, may sangkatutak din namang tukso na lumalabas galing sa impyerno para magtaksil ka. Isa na dito yung pagdating ng ilang Significant Someone sa buhay mo habang nananahimik ka na. Mahirap umiwas sa taong innocent-looking pero deep inside, lumiliyab na yung feelings mo para sa kanya. Mahirap din namang diktahan nalang ng ganun yung tao kung ano ang gagawin. Once love strikes, wala ka nang magagawa. Lalo na pag too late na ang warning na dumadating.
8. Bawal na dahil sa kaibiganKakasabi ko lang na hindi nga pwedeng diktahan ang puso dahil hindi natin kaya minsan di ba? Pero paano kung ang best friend mo, naunang mangumpisal sa'yo tungkol sa nararamdaman niya sa taong mahal mo rin? Ipit ka na naman sa isang sitwasyong hindi mo alam kung tatawagin mo pang best friend ang best friend mo. Tapos heto ka pa, deny-deny sa lovelife mo pag ikaw na ang tinanong kung sino ang tinitibok ng heart mo. Minsan pa, date sila nang kasama ka or kain sa labas habang nasa likod ka at pinapanood ang pagsusubuan nila. May mga times na ikaw pa ang takbuhan ni 'best friend' pag may problem sila ng mahal mo. Haay! Friendship could reach the stars, but how could friendship mend broken hearts? =(
9. "Mahal ko na nga ba talaga siya?"Sobrang di makapaniwala o sobrang katangahan? Maraming cases kung saan ayaw mong aminin sa sarili mo na mahal mo na ang isang tao. Na parang impusible, pero heto ka at nangingiti mag-isa. Na parang hindi ka pa ready dahil ayaw mo pang masaktan ulit. Na parang close lang talaga kayo kaya mo siya love. Hindi mo sigurado pero bakit nasasanggi sa isip mo ang word na 'Love'? Yung pagiging di mo sure minsan ang nakakapag-lead sa isang unwanted realationship. Na mas nagwo-work pa kung di kayo, or sometimes, sa phrase na "akala ko lang pala mahal kita."
10. Martyrdom Case #2Pagtatago ng feelings mo for the sake of that M***** F****** B******* love na yan! Di mo pinapahalatang nasasaktan ka na or di mo pwedeng sabihing ganito ang nararamdaman mo. May mga pagkakataong pa, ikaw na nga ang argabyado at kawawa, ikaw pa ang mali at yung sinisisi dahil nagkaganyan kayo. Mali na kung mali, ang kailangan mo lang naman is yung sincerity and totoong pagmamahal niya. Kahit nga simpleng appreciation niya lang sa mga ginagawa mo para sa kanya, parang pinagkait pa sa'yo. Talaga nga naman!
Ilan lang ito sa mga pagkakataong mare-realize mo na hindi talga madaling ma-in love. May mga pagkakataong iisipin mo ulit yung single life mo, and kung gaano ka kasaya noon. Pero tatlong bagay lang na kailangang tandaan. Kung talgang mahal mo ang taong ito, may limitasyon kung hanggang saan, you can't expect anything from the one you love, at handa kayong harapin ang lahat - no matter what happens - para na rin sa ikagaganda ng relationship ninyo. Ito lang ang mga tests para masabing true love nga talaga ang true love.
ge. FLEW on
7/18/2005 08:44:00 AM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver