Sunday, July 10, 2005
songbird..1Kung naghahanap kayo ng girl na magaling talaga kumanta, there's this girl we know sa batch namin na talagang napakagaling kumanta. She's only sixteen yet parang mature yung voice niya especially the way she handles it. Ganda ng voice pag nasa stage. Kadalasan kasi, si Arianne yung nagli-lead ng group choir pag nagpe-perform or during a song number sa lahat ng program. Wala namang nagsasawa sa boses niya eh. So everytime may ocassion, umasa ka na she'll sing you a song or two.
As a best friend, kilalang-kilala ko na siya. Since kindergarten, kaklase ko na yan so she'll never hide anything from me. There's this time na dineny niya sa akin yung feelings niya for a certain guy. Hala! Talagang todo tago pa siya kahit pulang-pula na sa kaguilty-han. Secretive kasi yan, kahit sa akin. Ayaw niya ipapaalam kung ano man yung opinion niya about a certain topic - lalo na pagdating sa love.
Mapagmahal na anak and nagta-top sa class yan si Arianne. Masyado na ngang pinakyaw yung mga medals during our Gradeschool Graduation namin eh. That was four years ago. Graduating na naman kami ngayon and this time, it's different.
For applying in a certain university, kailangang mag-choir ang best friend ko para makapag-aral dahil financially unstable sila ngayon. Kailangan pa niyang makatulong sa family niya. To be able to join the scholarship, kailangang mag-audition. Syempre, kailangang nandun ako kahit for moral support lang. Kung tutuusin nga, dapat hindi ako sasama eh. Pero dahil ang maghahatid sa kanya ay utol niyang si Gary - oo, sige, sasama na ako.
Di siya kinakabahan at first. Kitang-kita sa kanya na confident siya kahit maraming nauna sa kanyang sa tingin ko'y mas magagaling pa. She may be that good pero sa dami ng gustong mag-apply sa choir, kailangan best of the best lang ang mapipili. Before siya mag-perform, yung Cheska na yan, umeksena. Mainit na dugo ko dun bago pa siya kumanta dahil kanina pa tingin ng tingin ng masama kay Arianne. Sinumbong ko kay Gary syempre. Pero dahil civilized person yung kapatid niya, wag nalang daw patulan ang reaction sa akin. Ewan ko ba kung bakit ko pa naisipang sabihin sa kanya yun kung na-foresee ko nang ganun ang reaction niya. May binatbat naman pala yung Cheska, so hindi ko na rin pinansin. Yun nga lang, iba ang nakita ko - si Arianne na halos di mapakali sa may side ng backstage. I asked her why kahit through hand signs lang. She answered back telling me takot siyang hindi makuha kasi isa nalang ang kailangan and there goes her chance after kumanta ni Cheska ng audition piece niya. I told her to pursue and wag mawalan ng pag-asa. At dahil malakas ako sa kanya at dagdag fighting spirit na rin, there she was sa harap - kumakanta ng One Sweet Day as her piece.
Ewan ko lang kung malik-mata ko yun pero all I know was that may cute guy na student sa likod na napatitig sa best friend ko while she was singing. Kausap niya lang yung mga kabarkada niya yata, then suddenly stopped when she heard my friend sang. Grabe ang titig kay Arianne that he even asked me for her name. Alam kasi na kasama ko si Arianne pagpasok, so sa akin pa nagtanong ng pangalan niya. Hinintay niyang matapos yung audition and then there he was, asking for Arianne's number through Gary. Sabi na eh! Kailangan ko na ring mag-voice lesson para magka-boyfriend!
We were informed to go back for the results next week so we got home, prepared to go to school tomorrow and got some good sleep. Not knowing there is something happening na pala sa best friend ko. Di na rin kasi ako nakatawag sa kanya after nun eh.
The following morning, she decided to talk to me and told me what happened the night before. As a matter of fact, parang first time niya yata mag-story ng ganun sa akin. She told me about this guy na nagtext sa kanya to tell her how good she sings. Yung guy na daw na yun ang bahalang mag-convince sa prof nilang nagpa-audition na tanggapin siya sa choir dahil kailangan nila ng singers like her.
"Omigosh Yahn! Siya nga yung kumausap sa amin ni Kuya Gary mo yesterday!"
"Yup, he told me nga pala about that. Oo nga pala, Ivan pangalan niya."
Hmm, Ivan and Arianne... Perfectly matched! Eto na nga kaya yung start ng pagshare sa akin ni Yahn? If there's nothing special, bakit masyado yata siyang open sa akin? Dun na rin ako nagsimulang maghypothesis na may chemistry sa kanilang dalawa. He even offered Arianne a ride next week to get her results eh. Pero sabagay, friendship and ride lang naman ang offered sa kanya so walang alam na malisya si Arianne tungkol dun.
The following days passed, parang ang bilis ng next week. Ivan kept on texting her and so does Arianne sa kanya. They even decide na ayos lang kasama ako dahil isa lang naman akong maliit na panggulo. Actually, they didn't said that. Gusto lang ni Arianne na I'm with her para okay lang sa Kuya Gary niya. We went to school and Ivan picked us up from there. Kasama pa nga ni Ivan mom niya dahil idadaan niya sa may optometrist para sa weekly check-up sa kanyang eyes. Malabo and halos di na kasi makakita both eyes niya so they were asking help kung ano pa ang pwedeng magawa. Loving son pala ito, so good quality siya pagdating sa pag-treat sa mga babae. After that, we saw the results.
1. Lopez, Faye - Malate Catholic School
2. Garcia, Bernadette - Philippine Christian University
3. De Jesus, Leah - St. Benedict's College
4. Reyes, Patricia - Makati Science High School
5. Aquino, Arianne - St. Therese' College
"Arianne! Pasok ka!"
Grabe ang ngiti at tuwa na nasa mata at mukha ng best friend ko. Sa hirap nga naman ng pagkuha ng mga members sa choir ng university nila, malaking bagay na yung simpleng makapasok ka lang sa scholarship. Isa na si Ivan sa mga nagbigay ng high five sa kanya. At heto na naman si Cheska na talagang namumuro na sa akin sa pag-make face niya kay Arianne. Hindi ko alam knug anong ginagawa ni Arianne para magkaganun si Cheska. Siguro dahil hindi siya nakapasok sa choir dahil sa kanya. Lalong hindi ko alam kung dahil sa pagiging konektado naming dalawa kay Ivan at malakas si Ivan sa professor nila kaya ganun siya mang-irap at mga kampon niya.
Weeks passed, naging masaya ako para kay Arianne. Patagal ng patagal, parang lalo siyang naga-achieve sa class. Napapansin ko rin na napapadalas ang kanta niya pag uuwi na kami from school kung hindi siya sinusundo ng kuya niya. At ang pinakanakakaduda ay ang pag-smile niya lagi kahit parang ang busy siya sa tambak ng kanyang mga ginagawa. Di ko nakayanan one time, nagtanong ako kay Kuya Gary while we were riding on our way sa school.
"Kuya Gary, parang palangiti lately si Arianne ah. Napapansin mo ba?"
"Oo nga eh. Pwede ko bang malaman sa baby ko kung bakit?"
"Ano ba kayo? Di naman ako nagago ah!" Pangiti-ngiting reply ni Yahn. Halos mamula na naman siya sa pagkumbinsi sa amin na nothing's strange sa pag-uugali niya.
"Ikaw talaga Yahn! Last time kang nagkaganyan dahil dun sa crush mo nung elementary! Pinapaniwala mo na naman ako sa mga alibis mo! Aminin mo na kayang in love ka?"
Pinipilit ko na siyang magsalita tungkol sa kanila ni Ivan pero ayaw mag-react ng matino. Siguro dahil di pa sapat evidences namin ng kuya niya.
"Lam mo ba yang baby ko, nagsasalita habang natutulog nung ginigising ko. Pangalan ni Ivan ang sinasabi..." Pabirong hirit ni Kuya Gary.
"Hindi naman name niya yung sinasabi ko eh. Name ko yung sinasabi niya!"
"Ay!" Sabay tago ng mukha sa throwpillow sa car.
"Haha! Arianne Aquino, binubuking mo po ang sarili mo..." Kantyaw namin sa kanya habang pababa ng car. Inamin niya rin sa amin bandang huli na ligaw lang naman ang pakay ni Ivan kaya siya kinukulit at linalambing eh. Her kuya just smiled once again bago umalis and reminded us na wag muna i-prioritize ang guys dahil kailangan muna nilang maka-grauate this coming March. Before kami maghiwalay sa Flag Ceremony, she told me never to tell anyone at ayaw niyang tuksuhin ng iba. Baka nga naman daw dahil sa asaran, ma-fall rin siya kay Ivan. Ngiti nalang ako and whispered to myself how happy I am to hear my best friend who feels this way for a guy - for the 1st time.
Yun na ang huling encounter namin ni Arianne ng ganun. Months passed, heto at March na. I'll really miss our high school life! Nakakalungkot na nakaka-excite kasi college na kami. During our graduation, Ivan came up to me and told me kung gaano niya kamahal best friend ko and kung bibigyan siya ng chance ni Arianne, papatunayan niyang totoo mga sinasabi niya.
"Wala naman sa akin yun eh - nasa kanya. Wag na wag mo lang papaiyakin yan!" And then he left.
That very same night, while we were having our Grad Ball, nag-present si Ivan ng dance number kasama ang tropa niya after kumanta si Arianne ng Because of You. Cheer kami syempre kasi double presentation ang naganap. Take note, talagang di alam ni Arianne na part ng program yung surprise number na pagsayaw ng group nina Ivan. Later on, he pulled out a cute boquet while singing sa mic ng Because of You rin. Katulad ko, di naman gifted child si Ivan sa boses pero dahil sa effort and sincerity sa actions niya kahit dignidad niya yung nakasalalay sa pagkanta niyang baliko, Arianne answered him on the spot.
"Tumayo ka na nga dyan, Ivan." Sabay lapit sa kanya. Ivan took her hand and asked again.
"Arianne, accept mo naman 'to... Please?"
"Kakahiya."
"Sasagutin naman kita kahit di mo gawin yan eh."
And there they were, sharing a warm hug while her fellow graduates clapping and his friends shouting and howling at them. Ang sweet naman talaga eh. Kahit sinong guy, hindi magwi-wish na mapahiya in front of the girl they love.
Pero Ivan took that chance and put himself at risk - and that's what made him special - in front of Arianne's eyes.
ge. FLEW on
7/10/2005 07:36:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver