Sunday, November 27, 2005
noong isang araw ay nasa LT kaming lahat at nakikinig sa isang symposium ukol sa unti-unting pagkawasak ng mundo. marahil nagtataka kayo kung anong klaseng mga propeta ang nagsasalita sa harapan namin noong mga oras na yun. naginvyt cla ng mga alumni guest speakers na talga namang hindi namin alam kung proud cla sa mga pinagsasasabi nilang nalalpit na pagkawaksi ng mundo. mabilis ang mga pangyayari. sa sobrang bilis, nagitlog na aco at naging bato sa kinauupuan co. maya maya pa'y tumayo na ang una sa panel of reactors at ipinasya na naming umalis. ang hirap yatang umupo sa may bandang harapan ng mahigit tatlong oras a! pero bago kami umalis at kumain ng hapunan, napagtanto ko ang ilang mga bagay.
napakagaling ng up sa mga ganitong isatistika. puro impormasyon ang kanilang binibigay.puro mga datos, samut saring mga detalye at prediksyon ng mga maaaring mangyari. panay pagtutuligsa at kontra sa kasalukuyang gobyerno, tao at mga ipinatutupad na patakaran.panay kritisismo at paghingi ng pagbabago sa mga nakasanayan na.
alam naman nating lahat yang mga yan e.
ang di natin alam, yung solusyon. ang natatanging kasagutan sa ating mga pangwalakang problema.ang natatanging lihim na hindi pa natin natutuklasan. ang unang una dapat ginagawa ng kung sino sinong magagaling na mga tao upang mapatunyan nilang sila nga'y talgang magagaling.ito ang bagay na dapat noon pa inumpisahan at hindi lang basta pinatungan ng kung ano-anong kasinungalingan at pagpapanggap. ang aksyon na pagmumulan ng totoong pag-unlad at tunay na paglaya ng economiya ng bansa.
masakit mang isipin,wala tayo nito. at sa pagtatapos ng araw,isa lang ang paulit-ulit kong punchlyn sa mga ka-block co.
"hindi aco makakapasok sa nstp bukas."
"baket?"
"pupunta nalang aco ng Cuba."nakaRED pla kame nung mga panahong iyon. nagmamakaawa ang aming mga t shirt na wag nang ituloy ang budget cut sa mga SUCs. mabuhay ang mga iskolar ng bayan!
ge. FLEW on
11/27/2005 04:29:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver