Saturday, January 07, 2006
khapon, january 6 2006.nkakainis. nakakaburaot. parang sayang
yung araw. akala co pa nmn magiging
msaya na ang araw co. matapos naming
magsaya sa jolibee,buong tropa co sa ds,
magpakuha sa kameraworld kahit ma-late
sa anthro, tumawa wantusawa sa developd
pix, hindi pa pla iyon katapusan ng araw
co. marami pa pla acong kailangang gawin
upang mging krapat dapat tawaging msaya.
kailangan co pa plang tanggapin ang
ilang katotohanan sa mundo na hindi co
pa lubusang isinasapuso.
una,na hindi lahat ng hinihiling co ay
para sa akin talaga.hindi ito
ipagdadamot kung wala itong elementong
nakasasakit o nakakapagpalungkot sa akin
kung mapapasaakin na ito. maaaring
maging masaya aco ngaion pero sa bandang
huli ay hindi. maaaring tinuturuan aco
ng isa pang aral sa buhay - ang pagiging
masunurin. kinakailangang matutong
sumunod. pag sinabing para sa
akin,magpasalamat at hindi co ito
hayaang mawala ng walang magandang
laban. kung hindi para sa
akin,magpasalamat pa rin. dahil bago pa
magsisi dahil nakuha co ito, ipinaalam
ng hindi ito para sa akin.
ikalawa, ang selos ay nakamamatay. kung
hindi siguro makakapagtimpi ang isang
tao sa kanyang selos,makakapatay siya at
mabubulok sa bilangguan sa loob ng
mhabang panahon. kung pinili co sigurong
magsalita at mag-react ng bayulente,
maaaring namatay na rin aco - hindi man
literal,baka sa kahihiyan sa aking
maaaring nagawa. minabuti co nalang
tumahimik at mag-isip ng iba pang
magagandang bagay sa mundo, tulad ng mga
bulaklak,paru-paro,malamig na mais con
yelo at mainit na adobong manok na gawa
ng lola co.
ikatlo at pinaka-importante sa lahat:
kapag sinabi co sa sarili co,kailangan
gawin co. marami sa mga pangyayaring
nagaganap sa akin ay ebidensya ng aking
pagiging bebot. ang pagbabago co ng isip
ang madalas nagpapahamak sa akin. kung
kaya't pipilitin cong simulas sa araw na
ito, ang unang desisyon ang siya co na
ring wakas - wala ng paligoy ligoy
pa.kapag cnabi cong mamahalin co xa ng
hindi umaasang mamahalin din niya aco,
pangangatawanan co un at isasabuhay at
isasaisip at isasapuso. kung hindi co
ito magagawa, marahil, isa doon sa
dalawang aral sa itaas ang
makakapagpaalala sa akin na nakalimutan
co itong pangatlo.
tanong bago co wakasan ang entry co sa
araw na ito: sa isang magandang araw na
puno ng saya, ngunit natapos sa lungkot,
mas maaalala mo ba ang lungkot na iyon o
yung saya?-gelai.//
ge. FLEW on
1/07/2006 03:01:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver