Friday, August 25, 2006
isshare co sa inyo ung sotry ni pix, kakilala cong gurl. ung unang boifriend niya hindi nagtagal dahil iniwan siya nito at pinagpalit sa iba,siguro dahil sa first special someone nila ang isa't isa. so naiwang mag-isa si pix. may gurl nung high school sila, na in-admire ni pix dahil sa attitude, at siguro dahil boyish ung gurl na un. sa madaling salita, naging crush niya ung gurl na un. di nagtagal, nalaman nung gurl kung ano ung nararamdaman ni pix, so naglakas loob din ito na amining ganun ding paghanga ang nararamdaman niya for her although hindi siya straigh-forward na lesbian. in short, nagka-crush sila sa isa't isa. pero di rin un nagtagal. siguro kasi first time niya magkaroon ng admiration for another gurl kaya hindi rin siya naging palagay dun sa nararamdaman niya. bukod dun, naging close din sila nung guy niyang kababata, na nung inamin na niyang may gusto siya dun, sinabi naman niyang may gurlfriend na siya. then may nakilala siyang isang guy na naging friend niya through text and landline for almost two years nang hindi sila nagkikita. minahal niya un, pero dahil ayaw na niya ng mga rejections, inantay niyang mauna mag-open ung guy. that time, may friend siya na gurl na katulad nung naging crush niyang babae. nag-eenjoy sila pareho sa isa't isa, magkakasama silang umaalis ng barkada niya ganun, yet walang sabihan and it just happened - they realized they were both already falling for each other. matagal pinag-isipan ni pix kung talagang more than friendship ung nararamdaman niya for the other gurl. ayaw niya sanang pumasok sa kahit anong "abnormal" relationship, pero dahil walang higher level na nangyari sa friendship niya dun sa guy na nakilala niya bago maging kaibigan itong bagong dating na gurl, pinili niya ung mas kuntento siya although parehas may kumplikasyon sa buhay. nagpaalam na siya dun sa guy, at naging sila nung gurl. pangalawa na nitong gurlfriend si pix dahil mas landakan ang pagiging lesbian nito. oo - ung mga bagay na pumapasok sa isip ng isang tao pag sinabing relasyon: holding hands, kisses, gifts, alis, sine, stuff like that. hindi lang siya ang ganun sa barkada nila, kaya siguro ganun nalang sila ka-open sa mga ganung klase ng relationships. tumagal sila ng mahigit isang taon, then naiwan na namang mag-isa si pix. nakipag-break ung gurl dahil na-fall out of love na siya. nung time din na un niya nabasa ung project nung guy na hindi niya pinili at sinabi niya dun na may nararamdaman din siya para kay pix. hindi lang niya ipinakita ung nafi-feel niya dahil hindi siya sure sa nafi-feel ni pix para sa kanya. "kung nasabi niya sana un, kung inantay pa sana siya ni pix, e di sana..." ayon, umiyak si pix, pero nagkaroon pa rin siya ng lakas ng loob para tumayo ulit despite nung mga nangyari sa kanya. may naging boifriend siya pero di rin nag-last kasi infatuation lang pala ung inakala niyang love. may nanligaw din sa kanya lately, in the form of the same kababata niya na guy. unfortunately, nadala na si gurl sa pagpasok sa isang relasyon nang basta-basta. love really isn't enough - hindi sinagot ni pix ung guy although try siya ng try, hanggang sa sumuko na rin siya in the end.
due to consistent demand ni pix na wag sabihin ung tunay niyang name, pinagbigyan co na siya sa gusto niya. anyway, kaya aco nagkwento ng ganito kasi na-inspire aco dun sa sinasabi ni ma'am o kanina nung nagdidiscuss kami ng tao, panitikan at lipunan. actually more on gender at society ang focus namin kanina. dinagdagan pa ito nung natapos cong kibro ni julie ann peters na keeping you a secret. talaga nga namang pinapalakad tayo sa isang malaking pagkakamali ngayon na di lamang binubuo ng mga naglalakihang grupo sa ating lipunan. pinapalakad tayo sa ganitong pamamaraan, maging ng ating mga sarili. masyado nating kinicriticize ang ibang tao according sa kung sino natin sila gustong maging at sa kung anong category natin sila gustong ilagay. ung story ni pix ay isa lamang sa mga kwentong alam cong kumakalat-kalat sa samin dati sa high school. laki kasi aco sa exclusive school at mulat aco sa klase ng environment meron kaya nagiging dominant ang lesbian tendencies ng mga gurls. at kung saka-sakali mang magbago ang kanilang sexual preferences kapag lumabas na sila sa kapaligirang puno ng mga babae, maaaring mapatunayan muling totoo ang teorya ng fluidity ng gender. magiging nakaka-trauma sa kanila ang ma-pressure magmahal ng kung sino dapat kaysa sundin nalang ang kanilang tunay na nararamdaman. para sa akin, this is an issue more on human rights than on norms and morality. dahil na rin sa kilala co si pix tulad ng isang kapatid, ayaw niyang ipasabi kung ano ang tunay niyang pangalan dahil alam cong may hinanakit siya sa mga taong nagge-generalize ng mga tao ayon sa kasarian nito. may galit siya sa mga taong basta nalang naghuhusga sa isang tao sa kung ano ang nakikita niya. masama ang loob niya sa mga taong binibilang lamang ang disadvantages na naidudulot ng mga ganitong uri ng kasarian sa lipunan.
TAO RIN NAMAN ANG MGA KATULAD NI PIX.
may kapasidad na makipagkaibigan, magiging malaki ang maitutulong sa tahanan, may kakayahang makapagtrabaho, may talinong magagamit sa pag-aaral, alam kung ano ang tama at mali, at higit sa lahat, marunong magmahal ng kapwa tao.
masakit para kay pix ang maging isa sa mga taong sinasabi nga nilang "secondary citizens" pa rin hanggang sa panahong ito. tayo ang henerasyon na naghahangad ng malawakang pagbabago, globalisasyon at progresibong pananaw sa buhay. nasaan ang ating pagtanggap sa mga taong katulad ni pix? sa isang banda'y naaawa pa siya sa mga hindi kumikilala sa mga ganitong klase ng pagkatao. buti pa nga daw siya'y alam na niya kung ano talaga ang kategorya niya at sino siya talaga. sa ganitong paraan, walang sino man ang maaari pang makapag-kahon sa kanya. walang sino man ang maaaring magbansag sa kanya ng ganito o ganyan ng basta-basta. naaawa siya sa mga taong hindi alam ang kanilang pagkatao, at patuloy na sumasailalim sa steryotipong pamamalakad ng lipunan sa kasalukuyan. masaya na si pix ngayon kahit sa sinasabi ng iba. may crush siyang lalaki at umaasang papansinin siya. bandang huli'y magiging sila at tatanggapin siya sa kung sino o anuman siya talaga. pero sa ngayon, titingnan nalang niya ito, at naghahangad na hindi siya isa sa mga taong kinatatakutan niyang patuloy na magpapalakad ng kamaliang ukol sa mga bisexuals, homosexuals, transgender at straight na taong nasa lipunan.
tanggap mo na ba si pix? kung oo at gusto mong malaman kung sino talaga siya, sasabihin co na sa'yo.
hopefully, kilala mo.
ge. FLEW on
8/25/2006 01:37:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver