Sunday, October 22, 2006
Maraming nangyari sa loob ng aking unang semestre ng ikalawang taon ko sa kolehiyo. Nagtapos na naman ang isa sa aking pinakamadudugong semestre. Alam kong nasabi ko na ito noong ako'y nasa unang taon pa lamang pero napagtanto ko na paiba-iba rin pala ang antas ng hirap para sa akin. Unti-unti nang tumataas ang lebel ng aking pag-unawa sa salitang SAKRIPISYO sa bawat araw na lumipas. Mas nagiging malaki ang pagkakaiba sa paggamit ng PAGPUPURSIGI at PAGIGING TRYING HARD. Ayoko mang isipin na mag-iikalawang semestre na sa pagsapit ng Nobyembre (dahil una sa lahat ay ngayon ko palang nalalsap ang tunay na kahulugan ng PAGBABAKASYON), hindi ko maaalis sa isip ko na ako'y tumatanda (mahigit kalahating taon na ang nakalipas buhat
nang ako'y maglabing-walong taong gulang) - at kailangang mas malaki ang agwat ng mga katagang TAMA at MALI di lang sa puso kundi sa salita at gawa.Ang semestreng ito ang nagturo sa akin na mayroong tatlong uri ng kasamaan sa iba't ibang anyo (maliban pa sa mga alam na nating meron sa mundo). Una: napatunayan kong hindi lahat ng mga tao sa paligid ay mapagkakatiwalaan. May mga taong bigla nalang mang-iiwan sa ere at hindi ka sasaluhin kahit nakitang nahuhulog na ako mula sa kalangitan (kung ako man ay manggagaling doon o kahit mula nalang sa ibabaw ng upuan). Ikalawa: na may nagtatagong alaskador sa anyo ng mga taong kahit ayaw mo ng kanilang presensya ay patuloy akong gagambalain at aaligid sa aking tabi. Ito yung mga taong parang ipinanganak para asarin ako at subukin ang pasensya ko. Hindi naman sa ayoko ng mga ganitong klase ng tao, pero sana alam nila ang ibig sabihin ng pangungusap na "PSST, TAMA NA, PLEASE?" at kung hindi pa rin makaintindi ay baka maihahagis ko nalang sila sa ikatlong palapag ng RH. Ang ikatlo ay nasa anyo ng mga taong nagbigay-daan sa mga hindi maiiwasa at maiiwasan namang pangyayari di lamang sa AS kundi sa lahat ng pagkakataon. Isa sa mga ito ang mga prof at ang kanilang mga di-inaasahang pagsusulit (ang notebook at current events na sana ay nabuklat ko man lang kagabi), ang mga di-inaasahang ipapagawa sa akin sa klase at sa bahay(sana nakapagsuklay man lang ako ng buhok bago ka natawag o mautusan), at mga panahong hindi ko namalayang sinimot na to the last centavo ang aking pera (kaya napilitan akong manghiram ng P6.00 para makauwi).Kung merong ganitong klase ng mga kasamaan sa mundo, naimbento rin naman ang mga mabubuting elemento. Nariyan ang mga kaibigan: na kahit hindi ko alam kung hanggang kailan sila magtatagl sa buhay ko ay naging makabuluhan pa rin silang bahagi nito. Nariyan ang aking mga magulang: na kahit ilang beses ko na nasigawan sa init ng ulo ko sa mga "nagawa ko sana pero hindi ko naalala" ay nariyan pa rin upang makinig, dumamay at magpasensiya (hindi ko tuloy alam ang kinabukasan ko bilang isang ina balang araw. I repeat:BALANG ARAW). At ang huling mala-anghel na elemento sa mapait na daigdig na ito ay ang mga taong naging parte ng masasaya kahit sandali lang na mga pangyayari. May mga pahapyaw sa buhay ko na nakakapagbigay ng ngiti sa akin kahit panandalian lang - para mabigyan ako kahit paano ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang mga bagay na naumpisahan ko na at kailangang nalang tapusin. Ito yung mga sandaling kailangan ko pang lasapin ng maigi habang nariyan pa upang nang sa gayon ay hindi ako magsisi sa mabilis nitong pagtatapos. Haay, alam niyo na kung sinu-sino kayo at nawa'y dama ninyo na MAHAL KO KAYO (heto ang isang kiss sabay hug: mmmm-muah).Hindi naman sa mamamatay na ako bago makapag-enroll no. Isa lamang itong pagpupugay sa mga nilalang na naging bahagi ng masalimuot kong semestre (sa ngayon). Nagbigay kayo ng bagong kahulugan sa KATATAGAN at PAGMAMAHAL, at dahil doon ay mas lalong naging hinog ang aking pagkatao. Naging mga "lubak" ko kayo (o bangungot pa kung minsan) at mga balikat na masasandalan (o unan na mahihigaan: at malalawayan - eeww. kadiri talaga ako!) sa kulang-kulang na tatlong buwan ng pagsasama. Tinuruan ninyo ako kung paano tumayo sa aking dalawang paa matapos mabundol (ng 10-wheeleer na trak), madapa at magka-sugat sugat. Astig kayo. Salamat.NASA BLOG DIN NA ITO:Ang mga larawang inyong nakikita ay mga larawan kanina sa launchingng MY Games sa San Andres Sports Complex. Nag-compete ang aking pinakamamahal na kabarkadang si Dianne (sayang wla tayong pic.nxtym nlng.lovya.muah muah) sa ilalim ng EAC Generals sa pamumuno ni Coach BJ (nax.may credit si Kuya BJ). Hndi ko nakunan ng larawan ang MAPUA Cardinals na nag-perform kasama ng aking ka-batch na si MJ (misya.sayang d tayo nagkita).
ge. FLEW on
10/22/2006 05:38:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver