Thursday, December 14, 2006
kung dati nafil co pagtripan ang dakila nating mga driver na hindi co lam kung kylan nsa mood mgsukli ng maaios at kylan hndi, iba nman ang fil co pag-usapan ngaion.
habang nkaupo sa jeep at nag-aantay sa nakakabagot na trapik,eto ang ilan sa mga napancn co..
--na mas malapit ang aking paaralan ngaion sa bahay kaysa sa dati cong eskwelahan (na dlawang sakay pa) ngunit halos kinse minuto lang ang pinagkaiba ng oras ng aking byahe.
--na mas crowded ang mga kalsada ngaion kumpara sa mga nagdaang taon. dalawang beses na aco natrapik ng ganito, isang beses bumaba para maglakad, at isang beses nag-dalawang sakayan para lang makauwi.
--na mas marami ang smoke belchers na sasakyan (ehem..both private at PUVs) plus chain smokers (sa loob at labas ng jip) na sadya ang pagbuga ng usok sa muka mo plus usok ng mga linulutong kanto food na tila mas madumi every week.
--na mas dumami ang variations ng jip ngaiong taon..may mga maiikli (at bulok na parang makakalas habang nasa gitna ng kalsada), may mahahaba (na antagal bago mapuno), may maiingay (wit all sorts of bagong busina), may sobrang tahimik (pero saksakan ng pagiging kaskasero ang mga driver) at mga makukulay sa loob (todo burloloy) at sa labas (picture ni bunso, pimp my ride designs kuno, at fake na mga anime at cartoon characters)
--na iilan nalang ang may mga matitinong ilaw sa loob ng jip. ang iba'y naghihingalo pag bumubusina o nagppreno, ang iba'y maliwanag nga pero kulay green naman (na halos d rin makatulong sa pagiging maliwanag ng loob ng jip). naawa tuloy aco sa mga matatandang hindi makita ang pagkakaiba ng limang piso sa sampu..
--na may mga ubod ng kadiring public transpo - malagkit na sahig, nakaipit sa singit ng upuan at bintana, umaapaw na basurahan kung meron man, gumugulong na mga mineral water bottles at paper cups ng 7-11, at mga daliri at pananamit ng driver at kundoktor na hindi kaiba sa minamaneho nila.
--na hindi lahat ng pasahero ligtas sa ulan kahit nasa loob ng jip.
--na hindi rin ligtas ang mga pasahero sa mga holdaper na dati'y hinahabol pa ng mga driver, ngaion ay kasabwat na ang mga ito.
--na hindi ulet ligtas ang mga pasahero sa kabog ng jip sa sobrang lakas ng radyo. (please lang i-adjust nyo ang bass..)
--at higit sa lahat, dahil sa dami ng roll back ngaion sa langis, asahang may maagang pasko ang mga pasahero mula sa mga driver kapag mababa na ang pamasahe.
maya-mayang konti pa, nagsimula na namang umandar ang jip na sinasakyan co.
maya-mayang konti pa, huminto na naman ulit..
ge. FLEW on
12/14/2006 08:38:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver