Monday, January 29, 2007
Writer: Daryl Aquino.Original title used. Original typographical errors included. Grammar not checked. Lahat na. *wenk*Well, wala pa akong pahintulot sa nagsulat. Di naman lahat linagay ko. Yung iba lang sa original story. *kunwari may difference d buh?* Ipinasa niya ito sa kanyang Filipino (tama buh?) subject noong siya ay fourth year highschool. Nangalkal ako ng e-mail ng kapatid ko dahil sa kanya ito ipinadala at ipinakita - hindi sa akin. Nung nalaman niya na nabasa ko, nahiya bigla. *haha* Di na kami nagkakausap ngayon, pero nakikita ko ang mga updates niya sa Friendster. Sana pag nakita niya ito, di niya ako ipakulong..Malungkot ang buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong direksyon sa buhay. Ayokong magaral, ayokong gumawa ng kahit ano. Iniuutusan ako ng aking magulang pero hindi ko sila sinusunod.
Naaalala ko pa yung araw na hindi ako pumasok sa eskwelahan dahil doon.
Iniisip ko kung anong nagawa ko, nasabi ko. Nandito lang ako sa kwarto. Sa kwartong puno ng alaala. Dito ko kasi siya madalas na nakakausap. Dito sa kwartong ito ako masaya.
Araw-araw, simula nang nakilala ko siya, naging masaya ako. Siguro ang corny, pero, kung iisipin ko, ito ang totoo. Parang hindi kumpleto ang bawat araw ko kapag hindi ko siya tinitext, lalo na kapag hindi ko siya nakakausap.
Lalo akong nalungkot. Nakahiga ako ngayon sa kama, dito sa kwarto. Nakatingin sa kisame at nagiisip. Parang iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon. Ang magisip. Isipin kung anong nangyari. Isipin kung anong nagawa ko. Isipin kung anong nasabi ko. Isipin kung bakit niya ginawa iyon.
Kinuha ko ang aking celphone. Binasa ko ang isang message na naging dahilan ng lahat ng hinagpis ko ngayon.
Binasa ko nang binasa. Paulit-ulit at nagisip muli ako. Umiling ako. Mababaliw na ako sa kakaisip…
Bakit, bakit bakit!
Naging ok naman ang simula. Wala namang indikasyon na may pagkagalit siya sa akin…kaya bakit?
At isa pang beses, inisip ko ang lahat. Inisip ko ang pinakasimula ng lahat ng ito. Ang puno’t dulo ng pangyayaring ito. Pangyayaring malapit nang magpabaliw sa akin.
(May tinanggal akong part dito..Eto yung part na pumapatol pa ako sa mga chatroom sa tv at 3310 palang ang telepono ko..Dun kami nagkakilala.*wahaha.*)
Dumaan ang mga sandali at nagpapaalam na kami sa isa’t isa. Pagkababa ko ng fone ay tuwang tuwa ako na pakiramdam ko para na akong may sayad sa ulo. Pakiramdam ko, ako ang pinakamasayang tao sa araw na iyon.
Pagkatapos ng araw na iyon ay araw-araw ko nang tinatawagan si Angel. Ang sarap kasi niyang kausap sa fone at parang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya kausap. At sa aming mga paguusap sa fone ko siya mas lalong nakilala.
Makalipas ang ilang buwan, bigla na lang nagtanong sa akin si George. uhm, friend niya si George
''Nakita mo na ba si Angel mo?''
Tiningnan ko siya. “Di pa…”
''Eh bakit di ka pa makipag kita sa kanya?''
''Basta ayoko pa!''
''Ewan ko!'' sabi ni George. ''Ang gulo mo!''
Wala na akong sinabi dahil sa isip ko, gusto kong makita si Angel, pero parang ayaw ko…hindi ko maintindihan. Kaya tinangal ko muna iyon sa isip ko.
Bandang December, habang naguusap kami ni Angel ay bigla na lang siyang nagtanong.
''Manhid ka ba o torpe?''
''Ewan ko? Manhid siguro,'' sagot ko sa tanong niya. Pero ang nasa isip ko, gusto ko sana siyang ligawan kaso nahihiya ako. Umiling ako. Torpe nga ata ako…
Pagkatos nun ay araw-araw ko pa ring tinatawagan si Angel. Hindi ko nga alam kung kailan ko unang naramdaman, pero naisip ko lang na mahal ko na pala si Angel. Mahal na mahal ko na siya, hindi ko nga lang talaga masabi sa kanya.
Dumating ang April at habang naguusap kami ni Angel ay nabanggit niyang magbabakasyon siya sa Iloilo ng tatlong linggo kasama ang mga kapatid niya at nanay niya. Medyo nalungkot ako sa balitang ito dahil siguradong mamimiss ko si Angel. Matagal-tagal ko rin siyang hindi makakausap sa fone.
Makalipas ang isang linggo mula ng umalis si Angel ay naisipan kong tawagan sa celfone si Angel dahil sobrang miss ko na siya. Gusto ko rin kamustahin ang kanyang kalagayan doon. Nagkausap kami at kahit sa maikling sandali ay nasiyahan ako dahil nakausap ko siya ulit.
Tapos, makaraan ang ilang araw ay tumawag ulit ako sa kanya ng pangalawang beses. Nagkamustahan ulit kami tapos mamaya ay may sinabi siya.
''Sayang lang load mo…''
''Okey lang yun ikaw naman yung tinawagan ko eh,'' sabi ko sa kanya. Basta ikaw, ok lang na tawagan…
Nang matapos na kaming magusap ay bigla akong napaisip. Hindi ko namalayan na nasabi ko yung bagay na yun. Siguro sa tagal naming magkakilala kaya nasabi ko iyon. Bahala na!
Nang nabalitaan kong pauwi na si Angel ay tinawagan ko kaagad siya kinabukasan pagdating nila dito sa Maynila.
''Miss na miss ko na po yung voice mong cute,'' sabi ko kay Angel habang ngumingiti. Masaya na nakakausap ko na muli siya ng matagal.
''Di naman…Nangbobola ka lang...'' sabi ni Angel.
''Di nga ako nagsisinungaling,'' patuloy kong sabi. Pakatapos non ay nagkwento na lang si Angel tungkol sa mga nangyari sa bakasyon nila. Nakinig na lang ako sa mga kwento niya
Nang bandang pasukan isang araw ay nagtext si Angel sa akin ng quote na may “''uv u poh'' sa huli. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko non pero naisip kong gayahin siya kahit na sa palagay ko nangtitrip lang siya. Hinayaan ko na lang. Nang tumagal napansin ko na lang na pagnaggugudnight si Angel, nawawala na minsan yung po sa luv u. Ginaya ko rin iyon. Tinanggal ko rin ang po sa luv u kahit na naisip ko ulit na baka nangtritrip lang siya.
Basta ako sinasabi ko yung totoo, sabi ko sarili.
Dumaan ang June, masaya ako dahil masaya kong nakakausap si Angel. Pero nung July 9, 2003, habang kausap ko si Angel sa fone ay napansin kong medyo mataray ata siya. Hindi naman ganon dati ang pagsasalita ni Angel sa akin kaya nagtaka ako. Pero sa huli, binayaan ko na lang dahil hindi ko rin naman alam ang dahilan. Baka kasi may nangyari lang kanina…
Pero nung July 11, 2003, Friday. Parang biglang sumobra ang pagkataray niya. Nung gabing iyon tumatawag ako sa cel ni Angel. Hindi niya sinasagot, kinakansel lang niya. Pati rin sa kapatid niya kinakansel din.
Hindi ako mapakali kakaisip kung bakit ganun siya. Bandang hapon kinabukasan, Saturday, ay tumawag ako sa landline nila Angel. Ang nakasagot ng fone ay ang kapatid niya.
''Hello pwede hu bang makausap si Angel?''
''Hindi daw pwede..'' sabi ng kapatid.
''Galit ba siya sa akin?'' tanong ko sa kanya. Hindi ako mapakali.
''Hindi daw.'' Ang tahimik niyang sagot.
''Pwede ko ba siyang makausap?'' tanong ko ulit. Hindi nawawala ang pagkabalisa ko kahit na sinabing hindi daw galit sa akin si Angel.
''Hindi daw pwede,'' sagot niya sa aking tanong. Pagkatapos nun ay ibinababa ko na ang fone.
Tsaka ko lang narealize na dapat tinanong ko kung bakit hindi siya pwedeng kausapin.
Tinext ko nalang si Angel at naghintay ako ng reply.
Pero di na siya nagrereply.
Kinabukasan Sunday ng gabi July. Biglang nagtext si Angel at sa maikling sandali bago ko nabasa ang text niya ay nakadama ako ng maliit na sinag ng pagasa.
Pero nagkamali ako. At ang nabasa ko ay gumimbal sa akin. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung ano ang iisipin ko. Kung ano itong nararamdaman ko sa aking puso na paunti-unting pinapatay ang lahat ng kasayahan na naranasan ko.
''…last txt: AYAW KONG SKTAN U.. MS MABUTI PANG LUMAYO KN.. PLZ''
Isang huling text at isang huling miss-call. Iyon ang iniwan niya sa akin.
Sa isang text, nawala lahat, natapos ang lahat. Nabaliwala ang dalawang taon kong pagkakakilala ko sa kanya. Nabaliwala ang dalawang taon kong pagmamahal sa kanya.
Naisip ko tuloy kung sa simula pa lang ay talagang plano na niya akong saktan…
Pero wala na.
Hindi man lang niya sinabi sa akin kung ano ang rason niya kung bakit niya ginawa iyon. Siguro, talagang wala naman akong masyadong halaga sa kanya. Hindi man lang niya masabi sa akin ang rason. May karapatan naman akong malaman iyon…
Tapos niyang isend ang message na iyon ay di ko na kinukulit si Angel. Hindi ko na siya muling tinawagan sa bahay niya. Hindi ko na rin siya tinitext.
Sa madaling salita, sinunod ko ang huli niyang kahilingan.
Isang buwan na ang lumipas. Miss na miss ko na si Angel. Miss ko na ang kanyang mga kwento, ang pakikipag usap ko sa kanya sa fone, at ang mga text niya.
Pero kahit gaano kalaki ang pagkamiss ko sa kanya, hindi ko siya tinext o tinawagan. Ayoko na ulit kasing mareject. Ang maaaring hindi niya pag-reply. Ang maaaring pagtanggi niya ulit na kausapin ako sa fone. Baka hindi ko makayanan…ang isa pang pagtataboy sa akin…
At paminsan-minsan, naiisip ko na sana hindi ko na lang siya nakilala. Para hindi ko nararamdaman itong sakit na bumabalot sa aking puso. Masarap sumigaw, masarap magmura, pero wala naman iyon magagawa.
At kapag naiisip ko si Angel…isang salita lang ang pumapasok sa aking isip. Isang tanong.
''Bakit?''
Masyado akong nagreminisce sa pagkabata nang mabasa ko ito bago ipost. literal na laughing out loud talaga.Akalain mong iniyakan ko pa ito nung una kong mabasa? Malay ko bang may naiwan akong ganon dbuh?Bakit nga buh?*hmm* Kung bakit ako lumayo..hindi ko na sigurado ang dahilan. Siguro nagsawa na ako. Minahal ko rin siya. Baka di niya lang naramdaman, o dahil talagang torpe lang siya..*nanisi?lol.* Kung bakit ayoko na siyang saktan, dahil nakakita na ako nung mga panahong yun ng taong magagawa ung mga bagay na hindi niya kaya *o hindi niya man lang subukan* na gawin..Natapos ang dalawang taong..uhm..pagkakaibigan *yun lang siguro yun* nang hindi kami nagkikita in person.*haha.*
Sa mga taong curious, hindi si hershey yan.
ge. FLEW on
1/29/2007 08:43:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver