Saturday, March 24, 2007
Hindi ko naramdaman na birthday ko nung Thursday. Parang tanga. 30 minutes before mag-12 am, nagkaroon ng power shortage sa may Quirino Ave. so obligado akong magpaypay hanggang sa makatulog dahil hindi kami biniyayaang magkaroon ng generator. Worse, hanggang 4 am ang pag-aayos ng electrical posts so paikot-ikot lang ako sa kama hanggang dalawin ng antok. Past 1 am na rin yun. Marami nang bumati at nagtext ng kung anu anu. *Wagi pa rin ang pagbati ng dorie co! Tuwang tuwa ako! - Nemo* Then pagkagising, nagsimba ako ng 6 am. Wahaw. Ang aga. Mag-isa lang ako so medyo drama mode pa nun kasi iniisip ko kung anu-anong mangyayari sa buong araw. Pag-uwi, hinarap ko kagad ang photocopy ng mga report sa NatSci 8 para magsimula nang mag-aral. Nagpre-enlist na rin ako.. at in-enlist ko na rin yung isang bata dyan..*Ja, iba yung sked mo sa sked ko! Totally! Hahaha!* So nung hapon, nakatulog naman ako at medyo nakapag-recharge ng aking pagkatao, inumpisahan ko na ang Psych 101 reviewer. Natapos ako at around 10, activity naman sa NS8...Shit talaga. Salitan lang pero nakaka-bore pa rin. Kung hindi dahil sa constant greetings ng mga tao throughout the day, buo na sana ang isip kong 18 pa rin ako hanggang ngayon.Nagbago yun kasi..
- -Tapos na ang aming PolSci 14 paper, March 21 palang ng gabi. *Whew! Nosebleed gumawa!*
- -There's this kind soul who accompanied me before ako mag-exam papunta sa room. *Yiikkkeee..kind soul daw o...Harass manghiram ng cellphone! Ble.*
- -Mabait si Mam Fagella this time around. 85 items lang at puro objective kaya feel ko madali. Sana pumasa ako. Yun nalang. *Wenk*
- -Sa wakas tapos na ang NS8 exam! Woohoo! Hindi ko alam kung paano naka-survive ang yellow paper ko nang walang laman for the first 15 minutes..Tinapos ko na rin kaagad. Ayoko nang titigan ang mga terms sa first part - ganun din namang hindi ko alam kung ano yung mga yun kahit anong gawin ko.Salamat nalang kay Mam Evangelista na nagpakilala sakin sa Zea mays, Oryza sativa, Ipomea batatas, Areca catechu at Cocos nucifera..*Sana di na magfinals ang lahat .Wenk*
- -Natapos na rin ang Socio101. Ang susunod ko nalang sigurong problema ay kung ano ang grade niya sa akin.. *Sana maganda ang hula niya..Hihihi!*
- -Wala na akong DS exam! Weeee! Enjoy ang buhay! Akala ko mapapagod ulit sa kakasulat ang kamay ko at magsasagot ulit ako ng paikot-ikot na essay..
- -Naghanda talaga sina mama pag-uwi namin. Ginulat ako sa bahay! Akala ko hindi sila nag-prepare..Lanya! Kulang nalang may party hats kami at crepe paper na nakasabit sa may pinto at kisame..Hahaha!
And oh, there are plenty of people I'd like to say thank you to..- -Si Suds *Ang pink box talaga ay ang official store nating dalawa! Thank you dude. Labyu!*- -Si Jaja.. *For the nth time this week, magkasama na naman kami. Buti nalang talaga at walang nadedevelop samin. Yaaaak! Hahaha!* - -Si Rasyel. *Maraming salamat idol! - Love, your number 1 fan..Kiss naman dyan! Yikkkeee.*- -Si Ate na magpinta ng aking mga nails sa kamay. *Rush yun kaya ganun. Wag nyo nang asarin na panget!LOL.*- -Si Bea at si B1..*Na-feel ko ang effort niyo..sayang lang talaga.. Huhuhu..*- -Si Momie Ruthy.. *Na kahit marami siyang ginawa kahapon, pumunta pa rin siya sa bahay..*- -Si RC at Chowee *Na kahit pagod e nag-baywalk pa rin kasama namin! Salamat po..*- -Si Meli *Na naiwan pa si doggie - hanggang ngayon talaga limot ko pa rin pangalan niya - hanggang past 10 ng gabi.. Maraming salalat kay Mickey Mouse na pink! Muah!*- -Si Eebun at Beenuh *Na binalik ang pagiging bata nang mag-playground pa kami pagkagaling sa baywalk bago umuwi.. Hehehe..*- -Si Archie *Wala pa ring tulog ang batang ito dahil sa PS14 Paper! Kala ko talaga susunduin ka ni BOB.. Dapat pinapunta mo na. Yikkeeee..*- -Si Yani *Isa pang batang walang tulog.. At walang aral sa mga exam.. Ahehe..*- -Si Camille *Mraming salamat po sa gift! Thank you rin sa mommy mo - ang galing niya pumili ng Gelai-ish wrapper. Astig!*- -Si Leigh *Na tumawag nung 22 ng gabi at binati ako from her and my ex.. Waw! Alala pa niya di ba? Mraming salamat sa pakikinig at pag-iintindi sa katigasan ng ulo ko.. Naiyakan pa kita.. Sabi ko hindi ako iiyak e! Pasaway talaga ang kabarkada mo.. Thank you so much baby girl..*- -Si Lyra.. *Kinantahan ako ng happy birthday sa text. Waw! Galing! Maraming salamat bez! I love you! Hehe.. Naman.. I miss you na.. Wag ka nang mag-summer job para makagala tayo..*- -Si Hershey na kahit papano nareceive ko naman ang greeting nya..Yes. As usual, he's busy..*Ayoko nang palakihin.. This entry was intended to be happy..*- -Si Marian Gayle at Mikee.. *Awww.. Ang cute nyo talaga.. Kiss pa nga my little angels.. Muah!*- -And all others who had completed my two days.. Hindi ko na kayo mabanggit lahat dito. Pasensya na.. Ramdam ko yun, pramis. Maraming maraming salamat po!..Si daddy nagpasulat ng message. Okay lang yan dad. I love you!
ge. FLEW on
3/24/2007 03:30:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver