Friday, September 14, 2007
Ako pala ay madalas nang magblog ng English..Hmmmm.Dahil ba malakas ang hatak nito sa tao?Dahil ba mas 'readable' lalo na nang sa kung sino-sinong dayuhan na dumadaan dito?Dahil ba mas nakaka-nosebleed pakinggan tuwing binabasa ng malakas?(Kahit na hindi ko alam kung may gumagawa nun..)Ako pala ay madalas nang magblog ng English..At madalang ko nang nagagamit ang mga salitang pinagtatawanan naming gamitin dati..Yeso (na talagang ginagamit ng aming 3rd year Filipino teacher)..Iniirog..Bungkos-bungkos..Kapitagpitagan..Salumpwet (na ginagamit din ng nasabing Filipino teacher)..Di-kawasa..Nakaaamis at nakasusulasok..At mga kung anu-ano pang salita na sa mga tulang tagalog mo lang malalamang mayroong ganung salita.Ako pala ay madalas nang magblog ng English..Pati sa ibang bagay maliban sa pagbblog.Madalas pati sa paggawa ng mga papel na maaari namang sa tagalog nakasulat.Madalas pati sa paglista ng mga gagawin sa linggong dadating.Madalas pati sa shout out na ipinapaskil sa Friendster.Madalas pati sa pagsusulat sa aking talaarawan.Madalas pati sa mga kantang pinapatugtog.At madalas pati sa pagsagot sa mga magulang..
Ako pala ay madalas nang magblog ng English..Ito kasi ang parating ginagamit ng ibang tao.Kapansin-pansing sa pagpapaikli ng mga sinsabi ay English din.BTW, LOL, ASL, GTG, TC, JAPAN, ITALY..Bakit hindi gumamit ng ATBP?O kaya'y acronym na PAKO (PAngako KO), MARTILYO, (MARTIr Lamang saYO), LAGARI (LAging Ganito Ang Respetong Ibibigay)..Nakakabobo kung uusisain. Siguro'y hindi na natin mapagtiisang maging makaluma.Ako pala ay madalas nang magblog ng English..You know..It's like..uhm, watchamakoldis..Uhm, I don't know how to say it kasi e..Parang..uhm, it's like..WAAAAAAAHHH!Tama na nga! Taenang yan.Haha. Napakaburgis!Hindi bagay sa aking katauhan..At pag ako ang gumagamit, parang nakakatawa lang.
Ako pala ay madalas nang magblog ng English..Siguro dahil sa Microsoft Word, sa Desktop, at kahit sa paggawa nito ay puro English nakikita ko.
Wag na kayong pumusta..Sa susunod na entry ko, talagang English na ulit.
ge. FLEW on
9/14/2007 12:05:00 AM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver