Saturday, December 22, 2007
It's already the 7th day of the Simbang Gabi(or Misa de Gallo for those attending mass in the morning).Para sa katulad kong wala pang na-miss since day one,Unti-unti ko nang nakikita ang pagkonti ng tao mula noong umpisa kung ikukumpara kanina.Napagisip isip tuloy ako.(Hmmm..)Siguro kasi marami-raming tao ang nagsisimba lang..a) just to see that someone na pinopormahan (or worse para lang ipakita ang porma nila sa lahat ng tao)b) para makakain ng putobumbong (or putobumbom or putobungbong) at bibingka afterc) for their wish to come true on the ninth dayd) wala lang..para lang masabing nagsisimba sila
Hindi naman dapat nagpupunta sa simbahan para sa ibang bagay-slash-tao e.Panget tignan,(not only sa mga Katoliko pero kahit sa ibang religion),na hindi ganun ka-devoted ang isang tao sa service niya.It's a form of letting others know kung gaano kalaki ang iyong pananampalataya,kung gaano katindi ang maaari mong isakripisyo....At kung paano ka tumatanaw ng utang na loob sa lahat ng mga biyayang natanggap, natatanggap at tatanggapin mo.
Have you heard this story about two angels collecting prayers?One has the basket para sa mga petitions and requests,The other has the basket na para sa mga nagpapasalamat.Nakakalungkot na napakakonti lang daw yung laman nung latter.Sabi nga nung pari kanina, bakit daw napakabilis ng tao na humingi ng humingi,samanatalang napakatagal (at swerte pa nga siguro kung maalala) bago makapagpasalamat.Tama nga naman na hindi talaga matatapos ang listahan ng lahat ng gusto(at para sa kaso ko, pati kunwa-kunwariang pangangailangan) ng mga tao.Ika nga, talagang magkakaroon ng scarcity..Hehe.*Kinikilig na si Yani, kung nagbabasa man siya, so titigilan ko na. Lol.*
Oo nga't hindi naman talaga dapat maging compulsory ang pagpapasalamat.Kailangan lang mag-isip ng konti kung paano natin maibabalik sa Kanya ang lahat lahat ng mga magaganda (at panget) na nangyayari sa buhay natin.Siguro mas maganda kung umpisahan na natin ito sa mga taong nandyan lang sa tabi-tabi..Pasalamatan natin sila sa lahat ng mga naibigay nilang kontribusyon sa pagkatao natin ngayon(Gaano man kaliit o kalaki yun).
Salamat sa nanay at tatay ko!Salamat sa mga kapatid ko (kahit forever silang pasaway)!Salamat sa mga kaibigan ko (na soooobrang tiyaga sa pag-iintindi sa pagiging ewan ko)!Salamat sa mga kaaway ko (na nagturo sa akin na hindi lahat ng masasamang tao ay nakikita lang sa hell)!Salamat sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw (na naapektuhan ako kung sino ako ngayon)!*Tsaka salamat sa'yo..Oo, ikaw.*
At sa'yo na nagbabasa ngayon ng blog ko,Pinasasalamatan kita (hindi lamang dahil sa malapit na ang pasko at nagmumukha akong nanghihingi ng regalo)..Maraming salamat!
ge. FLEW on
12/22/2007 11:44:00 AM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver