Saturday, March 22, 2008
Kanina pa ako nagbubura at nagttype ng kung anu-ano sa screen pero walang lumalabas na magandang kombinasyon ng mga salita sa utak ko ngayon. Marahil sa kadahilanang hindi ko alam kung magiging masaya ako sa araw na ito. Magulo. Andami kong iniisip at inaalala. Andaming panahon ang nasasayang sa kakabaligtad sa kama, nagpupumilit alamin ang mga bagay-bagay.
Ah, siguro dahil Semana Santa. Nah.. Masyadong magulo ang mga nasa utak ko kung ihahalintulad sa pangangailangang makapagnilay-nilay at maging malapit muli sa Diyos.
Hmm, baka dahil hangganng ngayon wala kaming katulong.. at kinakailangan kong maging isang butihing ate-slash-anak-slash-yaya hanggat narito ako sa bahay. Maige naman at malapit na ang kapana-panabik na practicum. (Drumroll please..) Nah. Masyado akong pagod para ito ang maging dahilan ng pag-iisip ko.. Isa pa, hindi na ito problema gayong mejo nasasanay na ako at may sweldo naman kada buwan ang gawain (o pahirap) na ito.
Uhm,baka dahil sa mga kailangang asikasuhin sa paaralan? Haha! Bigla kong naalala na wala pa akong nagagawang CV, at kailangan ko pang mag-aral sa 122 at Comm3 finals. Nah.. Hindi ito yung kanina ko pa iniisip. Kasi ngayon ko lang ito inumpisahang problemahin. :P
Ahh. Alam ko na kung ano ang mga bagay-bagay na paikot-ikot sa isip ko..
Ang aking kaarawan ngayon.
Masasabing mahirap magsaya ngayong araw na ito. Sabi nga ng aking lola at ina, patay pa daw si Hesus. bawal pa magpatugtog, magsisisigaw, mag-ingay at gumala sa kung saan. Antayin na daw dumating ang Pasko ng Pagkabuhay nang maisabay sa pagsasasaya ang dapat na selebrasyon ngayon.
Tulad noong nakaraan kong kaarawan, kailangang pagkatapos pa ng mismong ika-dalawampu't dalawa. Hindi pwedeng eksakto ang selebrasyon sapagkat abala ang mga tao noon na tapusin ang kanilang mga paper para sa PolSci14. Ako rin ay abala noon - may submission kasi kami ng mga activities at final exam sa NatSci8, at may second exam din kami sa Psych101 - kaya nag-aaral ako sa gabi ng kaarawan ko. Ayos lang sana kung hindi na naulit e. Ang kaso, ganun ulit ang naganap ngayong taon. Kailangang dumating muna ang Linggo at Lunes bago ko malaman kung magiging masaya ba talaga ang kaarawan ko.
Hindi ba naggets ng mga tao yun? KaARAWan nga e. Ito yung tanging araw para magpasalamat, at sa kadahilanan na ring hindi naman ako ipinapanganak sa loob ng isang linggo. Ang Pasko at Araw ng mga Puso, maaaring isang buong buwan ang selebrasyon nyan dahil buong mundo ang nakikiisa sa pagsasayang ito. Ang kaarawan, ako lamang at mga taong malapit sa akin ang may pagkakataong pagandahin ang araw ko. Hindi ko naman magawang magselos sa mga okasyong dumadating at nakikisabay sa araw ko. Wala akong karapatang gawin yun. Pero selfish ba yun kung hihingiin ko lang namang maging masaya kahit isang beses lang isang taon? Isang beses lang hindi pa maibigay sa akin.. Di ba ganun pag querida lang? Hindi makapagsaya sa mismong okasyon? Haha! Mukha tuloy akong kabit lang sa mismong araw ng kapanganakan ko..
Tingin ko hindi ito ang tamang panahon para mag-inarte ako. Nasabi ko lang na mahirap magsaya ngayon. Maraming limitasyon. Maraming hindi pwedeng gawin. At kahit pangalawang consecutive na kaarawan ko na rin itong lumuluha, hindi ito ang magiging dahilan para manatiling BLACK ang Sabado ko. Gusto ko rin itong maging carnation pink, lime green, canary yellow, dirty white, bloody red, cheesy orange, purple, at baby blue.
++++++++
Tingin ko rin hindi ngayon yung tamang panahon para mag-sorry yung isang batang ka-text ko. Lalo lang akong hindi mapakali pag naaalala kong isa ka sa mga dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Hindi kita sinisisi. Siguro tulad ng karamihan sa mga babae, nangarap din akong maging bahagi ng isang ''happily ever after moment.'' Pero ginusto kong alagaan ka, pasayahin ka, mahalin ka sa abot ng aking makakaya. Ginusto kong maging parte ka ng buhay ko.
Tulungan mo akong maramdaman kong parte din ako ng buhay mo..
ge. FLEW on
3/22/2008 01:49:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver