Friday, April 04, 2008
''it's still different if you can't find the feelings to descryb it, the words to explain it, the guts to say it and the courage to accept it.''Yan ako noong November 2006. Tulad nung isang batang natatamaan ngayon habang nagbabasa, ako'y nacurious din sa mga bagay na inilalagay ko sa blog ko noong mga panahong iyon. Mga panahong masasabi kong ako'y nagpapakasaya sa ibinibigay ng buhay, puro barkada at bahay lang ang problema. Mga panahong alam ko pa kung ano ang maaaring maging bunga ng pinasukan ko. Mga panahong hindi ko inisip na magkakaganito ako after a year.In a way, nag-expect din pala ako. Mukhang tanga man, sabi ko sa sarili ko, balang araw (ngayong college), makikita ko na siya. (Not Siya, siya. You know, the right guy or something from your fairy tale.) Magkakabungguan kami sa isang hallway na hindi naman masyadong makapal ang tao. Tapos mahuhulog ang gamit ko, tapos sabay naming pupulutin. Tapos magkakatinginan kami sa mata, at hihinto sa pag-aayos ng mga nalalaglag na dala-dalahan, at mararamdaman ang spark. Tapos magpapakilala siya, tatanungin ang pangalan ko, aayain akong panoorin siya (pinangarap kong isa siyang basketball player, dancer, member ng banda, o actor) at maghhang-out sa labas. Tapos mahuhulog ang loob namin sa isa't isa. Liligawan niya ako, pupunta siya dito sa bahay, magbibigay siya ng flowers and chocolates, at aayaing kumain sa labas. Tapos, in the end, pag naging kami, we'll live happily ever after..........(Excuse me, may karapatan ako mangarap ng mga ganito kacorny na bagay. Defensive mode.)Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaw. No comment.Hindi ko alam kung matatawa ako sa pinag-iiisip ko nung mga panahong yun, o matatawa ako dahil sa sobrang layo nung pinangarap ko sa nangyari sakin.Isipin mo nalang, (oo, kasama ka, batang nagbabasa, sana matamaan..) nagtext lang siya sakin ng kung ilang beses, naghahanap ng makakausap. Nang-aasar, nangungulit, at kulang nalang ay hilahin ang pigtails ko para kumpleto na ang elementary boy look. Nagpaparamdam minsan, nakakalimot madalas. Nagpapapansin, na minsan iniisip ko kung naglalambing. Nagdedemand ng reply, akala mo kung sino. Higit sa lahat, tinago niya ako..ginawang isang sikreto. Pinilit kong intindihin, unawain. Pero winalang-bahala niya yun. Isang araw, nawala siyang parang isang bula. Nasaktan ako, nagalit, nagpumilit bumangon. Hindi ko na siya hinanap, pero siya'y bumalik. Nagbago at pinatunayang hindi na siya ang dating siya...........And they lived happily ever after? Who knows?Bahala na sabi ko. Ika nga ng aking kaibigan, just plunge in. (-salamat Plunger.) Tulad nga noong naunang sinabi sa entry ko, hindi ko na alam kung gaano katagal na ang nakakaraan, pipikit nalang ako at tatapak sa kawalan. Naniwala ako sa sinabi niya sa akin - hahawakan daw niya ang kamay ko at sabay kaming tatapak sa kawalan. Kung ano mang nasa hinaharap, whatever na yun. Magkaproblema man, (tulad ng mga kung anu-anong bagay na nangyayari lately) we still have each other. Tama na siguro yun sa ngayon. Palagay na ang loob kong may sasalo sakin (at may taong sumasandal sakin) sa mga panahong nakakawindang. Kuntento na akong mahal din ako ng taong mahal ko.Weird dahil totoo yung sinasabi nilang magkaiba ang ideal sa destined.Weird din na nagsusulat ako ng ganito para sayo.
ge. FLEW on
4/04/2008 11:44:00 PM
ME
NAME: mae angeline robles gagarin.
BIRTHDAY: march.22.1988.
WHERE TO FIND HER: malate.manila.
me-ann.mei.gelai.ge.angelina.
blue extremes 05.concordia college.
ba development studies.up manila.
EMAIL AT: lefthandah@yahoo.com
''Close the door. write with no one looking over your shoulder. don't try to figure out what other people want to hear from you...figure out what you have to say. it's the one and only thing you have to offer.''
---Barbara Kingsolver